Walang Hadlang sa Buhay: Arnold Balais

Arnold Balais for Alaxan Power Over Pain

 

NAME: Arnold Balais
BIRTHDAY: March 16, 1974
BIRTHPLACE: Dinalupihan, Bataan
OCCUPATION: Prosthetics Technician/Patient Advocate

“Hindi kaya. Hindi pwede.” Madaling sumuko kapag ito ang naririnig mo habang nasa isang pagsubok. Marami ang hindi na tumutuloy o minsan pa nga ay hindi man lang sumusubok para malaman kung kaya ba nila. Kaya nakakahangang makatagpo ng isang taong nagpursige para maabot ang pangarap niya kahit na ang mundo ay nagsasabing hindi siya pwede o hindi niya kaya.

Siya si Arnold Balais. Isang weightlifter, swimmer, mountain climber… at amputee.

Noong kabataan niya, nagka-injury siya sa basketball na nagresulta sa impeksyon sa buto na lumala hanggang kinailangan putulin ito at palitan ng prosthetic leg.

Iisa man ang binti, hindi ito naging dahilan para tumigil siya sa sports. Lalo siyang nagsumikap at nagpursige. Bumangon siya at nagsimulang mag-weightlifting. Hindi siya tumigil sa pagbubuhat at dahil dito, araw-araw niyang nararanasan ang iba’t-ibang aray sa braso, likod, balakang, kamay at ulo. Kwento niya, kaakibat niya ang Alaxan FR na may lupit-lakas tag team ng Ibuprofen at Paracetamol para mawala ang aray at para makayanan niya ang matindi niyang training. At noong 1996, hindi siya nabigo.Nakasama siya sa Philippine delegation sa Paralympics.

Hindi huminto si Arnold sa weightlifting. Ito pa nga ang nagsilbing unang hakbang niya sa pagpasok sa iba’t ibang sports na hindi niya pa nagagawa katulad ng swimming.Nag-training siya para matuto pero ito ay nauwi sa pagsali niya sa iba’t ibang kompetisyon na kung saan nakapag-uwi siya ng gold, silver and bronze medals.

Arnold Balais for Power Over Pain

Noong 2013, sinubukan niyang akyatin ang Mt. Apo. Nagtagumpay siya at siya ang tinaguriang kauna-unahang amputee na umakyat sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

Bukod sa pagiging triathlete at prosthetics technician, maraming pinagkakaabalahan si Arnold. Sumali rin siya sa isang competitive dragon boat racing team na nanalo sa iba’t-ibang kompetisyon nitong nakaraang taon at hindi lang yan, siya rin ay part-time college teacher sa Cebu, at laboratory technician sa mga physical therapy students.

Para kay Arnold, ibang klaseng kasiyahan ang nabibigay ng pagiging patient advocate para sa mga disabled, lalo na sa mga bata. Dahil nadaanan niya rin ito, alam na alam niya ang mga dapat sabihin para lalong maganahan ang mga tao na harapin ang hamon na pinagdadananan nila. Tinutulak niya rin ang kanyang mga pasyente na sumali sa sports para mag-iba ang kanilang saloobin sa sitwasyon, katulad ng ginawa niya noong bata pa siya.

Patunay si Arnold Balais na kayang maabot ang anumang pangarap kung talagang gusto. Patunay siya na pag may determinasyon at katuwang sa aray, kayang magtagumpay. Tularan natin si Arnold Balais. May power over pain sa kahit anumang subukan niya. Huwag tayong sumuko. Huwag tayong magpapapigil. Lagpasan ang mga hadlang at gawin natin ang gusto nating gawin sa buhay.

Arnold Balais for Alaxan Power Over Pain

 

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Ref. Nos. U109P051917A, U178P082517A

Leave a reply

error: Content is protected !!

BE #UNSTOPPABLE

Select a pain to beat
Human-Menu-Body